UMAABOT sa 246 mga alagad ng simbahan at iba pang opisyal ng ilang religious groups ang nag-apply ng lisensya sa Philippine National Police para sa kanilang mga bibilhing baril.
Kinumpirma ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na sa 246 na naghain ng permit to carry firearms ay 188 ang mga alagad ng simbahan habang ang 58 ay mga ministro, pastor at preacher.
Ayon sa ulat, sakop ng datos na ito ang kanilang mga request bago pa bawiin ang gun ban noong Mayo.
Sinabi naman ni Albayalde na pag-aaralan nila ang mga datos upang malaman kung dumami ba ang bilang ng mga paring humiling ng permit to carry firearms.
Sa nakalipas na anim na buwan ay tatlong pari ang namatay makaraan silang tambangan sa magkakahi-walay na lugar sa bansa ayon sa tala ng PNP.
Comments are closed.