(24K pamilya, 1,500 kabataan nabiyayaan) ‘BALIK SIGLA, BIGAY SAYA’ PAMASKONG HANDOG NG MALAKANYANG, MMDA AT MAYNILA

NAREGALUHAN ng pa­masko ang 1,500 batang Manileñong edad 5 hanggang 12 kahapon ng  uma­ga.

“Ito ang ikatlong beses mula 2022 na kaisa ang Lungsod ng Maynila sa proyektong ito ng Malacañang at MMDA para mga bata,” ani Mayor Honey Lacuna.

Kaisa ang Maynila sa mga lungsod ng Metro Manila na nanguna sa  ‘Balik Sigla, Bigay Saya,’ isang  Nationwide Gift-Giving Day project na pinangunahan  ng  Office of President Bongbong Marcos na bahagi ng  Christmas gift-giving tradition.

“Bukod at dagdag pa ito sa extended 12 Days of Christmas kung saan namamahagi ang Manila LGU ng noche buena packages, kasabay ng mga allowance payouts ng seniors, PWDs, at solo parents” ayon sa alkalde.

Kahapon ang pinakamalaking distribution ng noche buena boxes na ginanap sa Parola kung saan mahigit sa 24 libong pamilya ang makatatanggap ng pang-noche buena.

VERLIN RUIZ