24K TABLETS PARA SA STUDES NG VALENZUELA

Rex Gatchalian

PINANGUNAHAN  ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pamamahagi ng 24,000 tablets sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralang elementarya  at sekondarya sa lungsod.

“After going through a strict and stringent procurement process, as well as importation process, this week, we will release 24,000 smartphones to our students in our public schools who stated that they do not have any handheld device during enrollment,” ani Gatchalian sa simula ng pamamahagi nitong Enero 5 na tatagal hanggang Enero 9.

Batay sa enrollment declaration ng Department of Education (DepEd) Valenzuela noong nakalipas na taon, 24,000 sa 130,000 estudyante sa pampublikong paaralang elementarya at sekondarya sa Valenzuela City ang walang smartphone o gadget para sa online classes.

Sa berepikasyon ng DepEd Valenzuela ay natuklasan na ang mga student-beneficiaries ay walang kapasidad na makabili ng sariling gadget para sa online classes na nagsimula noong Oktubre 2020 kaya’t naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng P 69 millyon para sa pagbili ng mga nasabing tablets.

Ang mga naturang tablets ay maaaring gamitin sa panonood ng mga aralin sa Valenzuela LIVE Online Streaming School, sa pagbabalik-aral at panonood ng iba pang educational videos.

Nagbilin ang Pamahalaang Lungsod at DepEd Valenzuela sa mga batang Valenzuelano na ingatan ang kanilang mga tablet dahil mahalaga ang edukasyon at nararapat lamang gamitin sa paglahok sa online classes at follow-up discussions. EVELYN GARCIA

Comments are closed.