NASA 24,000 mga umuwing Pinoy ang negatibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Simula Hulyo 8 hanggang Hulyo 17 ay umabot na sa mahigit 24,000 umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.
Base sa datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, may 24,348 na umuwing OFWs at non-OFWs ang negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Ang nasabing bilang ay karagdagan sa mahigit 43,000 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula Hunyo 12 hanggang Hulyo 7.
Ang listahan ng mga nagnegatibong Pinoy ay makikita sa https://bit.ly/2OBfr1a.
Maaring makipag-ugnayan ang mga ito sa OWWA para sa kanilang quarantine facility upang maiproseso ang kanilang pag-uwi sa kanilang mga probinsiya.
Comments are closed.