PORMAL na inilunsad ng Department of Trade and Industry-Cordillera Administrative Region (DTI-CAR), ang IMPAKABSAT Regional Trade Fair 2019 kamakailan sa Festival Mall, Alabang, Muntinlupa City, kung saan nagtipon ang nasa 80 micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa mga probinsiya ng rehiyon.
Binigyan ng aksento ni Regional Director for CAR, Myrna Pablo, sa pamamagitan ng pagbubukas ng programa, IMPAKABSAT, na kumakatawan sa anim na probinsiya ng rehiyon, tulad ng Ifugao, Mountain Province, Abra, Kalinga, Apayao, Benguet, at ang siyudad ng Baguio at kinumpleto ng salitang Ilocano na “kabsat” na ang ibig sabihin ay kapatid na tumutukoy sa buong Cordilleras. Isa itong pagpapakita ng mayaman at masiglang kultura ng rehiyon kung paano sumsalamin sa mga produktong dala ng mga kasaling MSMEs.
Hinimok ng One Town One Product (OTOP) Next Gen Program Manager and Regional Operations Group Assistant Secretary na si Demphna Du-Naga ang MSMEs na ipagpatuloy ang pagpapaganda at pagbabago ng kanilang produkto sa pamamagitan ng pakikinabang sa suporta ng OTOP sa product development, design, packaging, branding, production capability, at iba pa na makapagpapabago ng kanilang sistema para mas market-oriented at innovation-driven.
“Ang mandatos ng ating Presidente ay tulungan ang lahat ng mga negosyante sa bansa. Sa pamamagitan ng OTOP Next Gen, ang simpleng produkto ninyo ay sasailalim sa product development at innovation tulad ng packaging at branding. Mas magiging marketable ang produkto, mas mabenta sa merkado,” pahayag ni ASec. Naga sa pagbubukas ng trade fair.
Layon ng taunang IMPAKABSAT na paunlarin at palakasin ang small and medium enterprises mula sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kanilang indigenous crafts, skills, resources at investment potentials. Tampok sa trade fair ang iba’t ibang organic at natural products, fresh & processed food, wearables and homestyles, coffee, bamboocraft, woodcraft, and furniture & furnishings.
Ang edisyon ngayon ay naglagay sa mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at OTOP Next Gen Program sa spotlight. Ganundin, nakatikim ang mga bisita at mamimili sa trade ng masarap na kape ng rehiyon, ang CAR bilang coffee capital ng Filipinas, sa pamamgitan ng KAPEtirya.
Nagsimula ang IMPAKBSAT 2019 noong Nobyembre 15, at magtatapos ngayong araw. Ang exhibit hours ay 10:00 a.m. hanggang 9:00 p.m.
Comments are closed.