NASAMPAHAN na ng kaso ang 25 miyembro ng breakaway group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na may kagagawan sa nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat noong August 28, 2018.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde.
Aniya, nitong weekend isinampa ng Special Investigation Task Group ang kaso laban sa mga suspek sa Office of the Provincial Prosecutor of Sultan Kudarat.
Una nang natukoy ng PNP at AFP na kagagawan ng breakaway group ng BIFF ang pagpapasabog dahil sa nature ng kanilang pagpapasabog kung ginagawa sa mga matataong lugar upang makapang biktima ng mga sibilyan.
Matatandaang sa naganap na pagsabog noong August 28 sa Isulan, Sultan Kudarat ay tatlo ang nasawi at 36 ang sugatan. R.SARMIENTO
Comments are closed.