25 BPS RATE HIKE POSIBLE

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

MAAARING itaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang benchmark interest rate ng 25 basis points o hindi ito gumalaw sa susunod nitong pagpupulong ngayong buwan, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Sa kasalukuyan ay itinaas ng central bank ang overnight borrowing rate ng cumulative 400 bps sa 6 percent magmula noong nakaraang taon upang pahupain ang tumataas na inflation at mapanatili ang interest rate differential sa US Federal Reserve.

“There’s even a likelihood that there may be a halt or steady. We will hold it for a while knowing that there so many uncertainties. Not to hike or to hike by 25bps,” sabi ni Diokno, na miyembro ng Monetary Board,

Sinabi rin ni Diokno na umaasa rin siyang hindi gaanong magiging agresibo ang US Federal Reserve sa pagpupulong nito ngayong linggo.

Sa pagtaya ni BSP Gov. Felipe Medalla, itataa ng US Fed ang interest rates ng 25 bps.

Sinabi rin ni Diokno na umaasa ang pamahalaan sa pagbaba ng inflation sa 2-4 percent target sa monthly basis ngayong taon.

Ang inflation ay pumalo sa 8.6 percent noong Pebrero.