NAKATAKDANG i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 25 Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Ito’y matapos pabalikin ang unang batch ng mga POGO worker sa Wuhan, China.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matagal ang proseso ng deportation dahil kinakailangan pa ng permit ng China para tanggapin ang mga kababayan nilang pinauuwi galing Pilipinas.
Gayunpaman, tuloy pa rin ang pagtukoy ng mga awtoridad sa lahat ng 400 Chinese nationals na target pauwiin ng pamahalaan.
DWIZ 882