25 COIN DEPOSIT MACHINES IKAKALAT NG BSP

BSP

SA  layong i-promote ang “recirculation” sa Pilipinas, 25 coin deposit machines ang ikakalat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Kalakhang Maynila at kalapit-lalawigan para rito.

Makakatuwang ng BSP ang mga retailers sa bansa gaya ng SM Retail Inc., Filinvest Land Inc., at Robinsons Supermarket.

Dito ay maaarinh maideposito ng publiko ang kanilang mga barya sa pamamagitan ng machines na nakatakdang paunang i-deploy sa Greater Manila Area.

Papayagan ng coin deposit machines (CoDMs) ang mga kostumer na magdeposito ng mga barya at maibalik sa kanila ang “accumulated value” ng barya na kanilang dineposito mula sa partner retail establishments.

“The customers will be able to get the value through shopping vouchers or reward card points, or they may opt to directly credit the amount to participating bank accounts or electronic wallets,” ayon sa BSP.

Nauna rito, lumagda ng memorandum of agreement (MOA) ang BSP sa mga kinatawan ng retailers gaya ng SM Retail Inc., Filinvest Land Inc., at Robinsons Supermarket.

Ang mga baryang makokolekta ay ibabalik sa sirkulasyon kapag ang partner retailers ay ginamit ito bilang panukli over-the-counter payments, habang ang mga “unfit coins” ay aalisin mula sa sirkulasyon at pagpapahingahin na ng BSP.

“There is a problem when it comes to recirculating coins: some people hoard or collect them while some people leave them behind altogether, leading to an artificial coin shortage. This defeats their intended purpose as a medium of exchange,” ang pahayag ni Governor Felipe Medalla.

“That’s why we hope that this project will solve problems for everyone: businesses, financial institutions, and the public. I’m very optimistic that after a two-year pilot run, we will be able to deploy these machines [in more locations] and I am confident that the benefits will be realized,” dagdag na pahayag ni Medalla. Beth C