25 DOMESTIC AT 32 INTERNATIONAL FLIGHTS BINUKSAN NG PAL

Cielo Villaluna

BINUKSAN  na ang 25 domestics at 32 international flight ng Philippine Airlines (PAL)  bilang antisipasyon sa pagdagsa ng mga pasahero na nagnanais magdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa labas ng bansa at labas hg Metro Manila.

Ayon sa impormasyon, ang 32 international flight ay ang papuntang New York, Honolulu, Guam, Jakarta, Bangkok, Tokyo, Osaka, Nagoya, Hong Kong, Taipei, Dammam at Riyadh.

Habang  ang mga domestics flight ay ang Manila Cebu, Cagayan de Oro, Catarman, Coron, Siargao at Boracay, Clark papuntang Puerto Princesa, Legaspi, Bacolod, General Santos City, Davao at Zamboanga.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, kasama rin sa nabanggit na domestic flight ang Manila-Laoag, Kalibo, Cotabato, Butuan, Ozamiz, Tacloban, Pagadian, at Cebu papuntang Davao at Butuan. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.