25 EMPLOYERS LUMAHOK SA JOB FAIR-QUEZON

QUEZON – TINATAYANG aabot sa 25 employers ang lumahok sa inilatag na job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Quezon katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) na ginanap sa Pacific Mall Lucena kahapon.

Ayon kay Genecille Aquirre ng Department of Labor and Employment (DOLE)- Quezon, aabot sa 1, 756 bakanteng trabaho ang maaaring aplayan ng mga aplikante na naghahanap ng trabaho matapos ang dalawang taong dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kasakukuyang ay muling isasagawa ang face-to-face job and business fairs ngayong taon kung saan katuwang ang DTI at TESDA na magbibigay ng training kaugnay sa paghawak ng maliit na negosyo.

Kinakailangan lang sa isang aplikante sa job fair na dalhin ang kanilang vaccination card para mapasali sa proseso sa inaaplayang trabaho dahil hindi papayagan na sumailalim sa proseso ang walang vaccination card.

Umaasa si Aquirre na ang nasabing bakanteng trabaho ay makukuha ng mga aplikante sa gaganaping job fair.

Samantala, inilunsad naman ng Rizal Provincial Police Office ang Duterte Legacy Caravan na ginanao sa bahagi ng Taytay New Public Market kahapon.

Katuwang ng pulisya ang ilang ahensya ng pamahalaan na magbibigay ng serbisyo sa publiko kung saan kabilang ang Taytay Municipal Health Office na nagbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente. MHAR BASCO