SUMALI ang ilan sa mga nangunguna at sumisibol na kompanya ng pagkain sa bansa at naghanap ng malaking bahagi ng merkado sa Middle East at North African (MENA) region sa Gulfood sa Sheikh Rashid Hall, Dubai World Trade Centre, United Arab Emirates (UAE) kamakailan lamang.
Pinangunahan ng Department of Trade and Industry, sa pamamagitan ng Center for International Trade Expositions and Missions (DTI-CITEM), 25 food producers and manufacturers ang kumatawan sa Filipinas para ipakita ang mga pangunahin at ilang halal-certified food selections tulad ng processed fruits and vegetables, marine products at coconut products.
“The Philippines’ leading and emerging food brands are ready to take on the export demands of Middle East countries to widen the country’s reach on the existing Filipino niche and mainstream market in the Middle East,” lahad ni DTI-CITEM Executive Director Pauline Suaco-Juan.
“In the Philippines’ 14th participation, we will feature seven new companies in Gulfood which have products that fit the demand for halal-certified tropical, ready-to-eat and healthy food selections across the MENA region,” dagdag pa niya.
Pitong bagong kompanya sa ilalim ng Philippine delegation ay ang Columbia International Food Products, Inc. sa kanilang tropical sweets at chewables; Alsons Aquaculture Corporation sa kanilang ‘Sarangani Bay’ milkfish; Fitrite, Inc. sa kanilang tropical juices, dried fruits and sauces; Leonie Agri Corp. sa kanilang food supplement at organic products; LTH Food Industries, Inc. sa kanilang flavored creamers at cupcakes; Monde Nissin Corporation sa kanilang snacks at confectionaries; at Phil-Union Frozen Foods, Inc. sa kanilang premium canned pasteurized crabmeat at frozen seafood products.
Samantala, ang Filipinong kompanya na bumalik sa Gulfood ay ang Brandexports Philippines, Inc., Celebes Coconut Corp., Century Pacific Food, Inc., Gem Foods International, Inc., Krystle Exports Phil., Inc., Mama Sita’s, Marikina Food Corporation, Market Reach International Resources, Mega Global Corporation, Philippine Grocers Food Exports, Inc., Pixcel Transglobal Foods, Inc., Profood International Corporation, Q-Phil Products International, Sagrex Foods, Inc., San Miguel Pure Foods Company, See’s International Food, SL Agritech Corp. at Super Q.
“The sheer number of returning companies in Gulfood under the Philippine delegation indicates the great opportunities that are present in the Middle East, as well as the high confidence in the marketing boost that DTI-CITEM gives to its stakeholders,” ani Suaco-Juan.
“These players are the same companies that started their export journey in IFEX Philippines and have gained experience in dealing with international buyers in our signature event—now they are taking it up to a notch in the global arena,” dagdag pa niya.
Ang Gulfood ay isa sa pinakamalaking karnabal para sa food at hospitality na ginaganap taon-taon sa Dubai. Ang naunang edisyon nito ay dinaluhan ng 98,000 bisita at sinalihan ng 5,000 exhibitors mula sa 98 bansa sa buong mundo.
Para sa kanilang 24th edition, ang limang araw ay nagtaglay ng temang “The World of Food, The World of Good” na may highlight sa pinakahuling consumer trends and innovations. Layon din nito ang magpresenta ng bagong trade opportunities, gayundin ng cooking demonstrations ng mga sikat na culinary masters sa mundo.
Ang partisipasyon ng Filipinas sa Gulfood ay para magpalawak ng market share ng bansa sa pandaigdigang halal trade. Ayon sa Hexa Research, ang global halal food market size ay hinuhulaang aabot sa USD 2.55 trillion sa 2024 dala ng tumataas na demand sa pagkain ng halal meat.
Sa mga naunang partisipasyon, nakaipon ang Philippine delegation ng USD 89.7 million halaga ng kabuuang benta, na pumantay sa ilang best-selling products ng bansa, kasama ang niyog at mga katulad na produkto tulad ng bigas, mangga, canned fruits, canned seafood at fermented marine products.
Sa susunod na partisipasyon, ang CITEM-led food delegation ay tinitingnan ang pagkuha ng kahit USD 90 million export deals at maabot ang kahit 1,300 mamimili sa limang araw na okasyon.
Ang partisipasyon ng Filipinas sa Gulfood 2019 ay inorganisa ng CITEM, sa pakikipag-partner sa Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Dubai, bilang isa sa prayoridad na pagsisikap ng DTI para pagtibayin ang promosyon ng Philippine halal food products sa trade shows sa ibang bansa.
Ang CITEM ay tagapag-organisa ng IFEX Philippines, na siyang pinakamalaking export-oriented food show ng bansa, na gaganapin naman sa May 24-26. Ipakikita ng IFEX Philippines 2019 ang “NXTFOOD ASIA” kung saan ipakikita ang susunod na malaking kaganapan sa Asian food na may pinakahuling food innovations, trends at best practices sa Asian food industry.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang citem.com.ph/gulfood.
Comments are closed.