25% PAY HIKE SA OFWs SA HK

Rep John Bertiz III

NAKIISA si partylist ACTS-OFW Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III sa panawagan para bigyan ng 25 porsiyentong pagtaas sa kanilang buwanang sahod ang may nasa 190,000 Filipino domestic workers sa Hong Kong.

Tahasang sinabi ng partylist lawmaker na kung nais ng Hong Kong na patuloy na makakuha ng Filipino household staff, na pawang mga may pinag-aralan at maaasahan sa trabaho, dapat nitong itaas ang ipinatutupad na statutory minimum wage sa ating mga kababayan.

Giit ni Bertiz, mayroon ngayong mataas na demand para sa Filipino domestic workers sa mainland China partikular sa hanay ng dumaraming bilang ng mayayamang Chinese families at ma­ging expatriates o foreign executives na nagtatrabaho roon na kasama ang kani-kanilang pamilya.

Kaya naman mistulang nagkakaroon umano ngayon ng pressure sa parte ng Hong Kong families kung paano nila mapapanatili ang kanilang Filipino domestic workers dahil sa alok sa mga huli na magtrabaho sa mainland China kapalit ang mas mataas na sahod.

“Affluent families in China want their children to learn English at an early age to prepare them for future higher education in America, Britain, Australia and elsewhere. This is why they are willing to offer higher pay for English-speaking Filipino staff to help around the house,” dagdag ng kongresista.

Ayon kay Bertiz, nagsasagawa naman ng periodic reviews ang Labor department ng Hong Kong kaugnay sa minimum wage at iba pang benepisyo para sa kanilang foreign domestic workers at itong darating na buwan ng Setyembre ay inaasahang maghahayag ito ng bagong polisiya hinggil dito.

Nauna rito, ang iba’t ibang domestic workers rights advocates ay nagsusulong para maging HK$5,500 ang monthly minimum wage ng mga household staff sa Hong Kong, o mas mataas ng 25 porsiyento sa kasaluku­yang rate.

Sa ngayon, ang foreign domestic workers sa Hong Kong ay nasa HK4,410 kada buwan ang “minimum allowable wage” bukod pa sa food allowance na hindi naman bababa sa HK$1,053 per month kapag hindi sila libre sa pagkain sa kanilang employer.

Aminado naman umano ang Hong Kong sa posibilidad na umalis sa kanila ang hanggang sa kalahati ng kabuuang bilang ng Filipino domestic workers dahil sa alok na Chinese Yuan monthly salary, na katumbas ng HK$8,600 hanggang HK$15,500 sa mainland China para sa mga foreign household staff. ROMER R. BUTUYAN

3 thoughts on “25% PAY HIKE SA OFWs SA HK”

  1. 296898 213597Someone necessarily assist to make critically articles Id state. This really is the initial time I frequented your internet page and thus far? I amazed with the analysis you made to make this actual submit incredible. Exceptional activity! 770257

Comments are closed.