25 PINOY NURSES SA UK TINAMAAN NG COVID-19

nurses

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment {DOLE) na mayroong 25 na Pinoy nurses ang tinamaan ng COVID-19 sa United Kingdom.

Ayon kay Labor Attaché Amy Reyes, ang mga health worker at nurses na ito ay nasa isolation centers na upang mabigay ang sapat na pangangailangan ng mga ito.

Dagdag ni Reyes, siyam sa mga ito ay ngayon lamang nakapagtrabaho sa UK at labing isa sa mga ito ay nagtatrabaho sa Britain mula 2019, subalit hindi umano ito ang new strain ng coronavirus.

Sinabi rin niya na dalawa sa mga Pinoy ang nasa kritikal ang kondisyon dahil sa virus.

Ikinalulungkot naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas nadagdagan muli ang bilang ng mga  OFW na tinamaan ng COVID-19.

“We are sad to note that the new wave of infection in the UK involves more of our frontline Filipino workers,” saad niya.

Samantala, sinabi ni Labor Attaché Saul de Vries ng Philippine Overseas Labor Office ng Singapore na mayroong dalawang OFW ang tinamaan din ng COVID-19. LIZA SORIANO

Comments are closed.