CAMP CRAME- TUMATAAS pa ang bilang ng mga pulis na positibo sa coronavirus disease (COVID-19) kaya umaabot na sa 1,006 na pulis ang infected ng nasabing virus.
Sa ulat ng PNP Public Information Office, panibagong 25 mga pulis ang nag-positive sa COVID 19.
Walo sa mga nagpositibo nakatalaga sa Police Regional Office 7, pito sa NCRPO, apat sa PNP-CALABARZON, dalawa sa PNP Aviation Security Group, Isa sa Camp Crame, isa sa PNP Special Action Force (SAF), isa sa PNP-Highway Patrol Group at isa sa PNP- Criminal Investigation and Detection Group.
Subalit good news dahil bumaba ang bilang ng mga nagpositibo, 455 ay gumaling na habang inoobserbahan pa ang 652 na pulis na ikinokonsiderang mga probable cases at 1,252 na pulis ang suspect cases ng COVID-19.
Nanatili naman sa siyam ang pulis na namatay dahil sa COVID-19. REA SARMIENTO
Comments are closed.