NASA 25 na mga sumukong bilanggo ang nakatakdang palayain ng Bureau of Corrections sa ilalim ng ultimatum for heinous crime convicts ni Presidente Rodrigo Duterte.
Pahayag ni Department of Justice (DOJ Secretary Menardo Guevarra na siguradong palalayain ang mga preso at inaasahan din na madadagdagan pa ang bilang ng mga ito.
Napaaga sana ang pagpapalaya sa mga nagsisukong preso ngunit dahil hindi umano maayos ang record-keeping ng BuCor kaya medyo natagalan ito.
Ayon kay Guevarra, ayaw nilang magkamali sa mga ilalabas na pangalan ng mga convict na mapalalaya.
Comments are closed.