25 SUSPEK ARESTADO SA DRUG BUST

shabu

QUEZON CITY – ARES­TADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni  Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang may 25 drug suspects na naaresto sa ikainasang buy bust ope­rations sa QC.

Una na rito ang pagkakaaresto ng mga tauhan ng Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni  PLTCOL Rodrigo ­Soriano sa isang buy bust ang suspek na si Paulino Dela Vega, alyas Bong, 35, ng Brgy. Del Monte, bandang alas-7:30 ng gabi  noong ­Hunyo 4, 2019, sa  No. 23 Florencia St., corner West Riverside St., Brgy. Del Monte. Nakuha mula sa suspek ang 5 ­sachets ng hinihina­lang shabu at ang buy bust money.

Naaresto rin ng mga tauhan ng PS 2 sina Alma Cabie, alyas Meme, 48-anyos, ang suspek na si Arturo Munsayac, alias Atong, 62, mula sa  Brgy. San Antonio at si Ricarte Merin, alyas Tek, 38, ng  Brgy. Tatalon, bandang alas-5:10 ng hapon nito lamang Hunyo 4, 2019, sa harapan ng No. 79 San Antonio St., Brgy. San Antonio. Kung saan nakuha mula sa mga suspek ang 5 pakete ng hinihinalang shabu at ang buy bust money na ginamit sa operasyon.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ng pamumuno ni  PLTCOL Benjamin Gabriel Jr., sa ikinansang  buy bust operation ang suspek na si Alejandro Alex Alfonso, alyas Rodolfo, 53, ng  Brgy. North Fairview; Mark Ed Lanot, 38, Arnel John Benigno, 25, mula sa Brgy. Kaligayahan; Melchor Abordo, 43, ng Brgy. Batasan; Archival Cacho, 42, at  Roger Ase, 37, kapwa mula sa Brgy. Pasong Putik, bandang alas-7:46 ng gabi, ­Hunyo 4, sa kahabaan ng Min­danao Ext., Brgy. Greater Lagro.  Nakuha ang may 7 pakete ng shabu, cellular phone at ang  the buy bust money na ginamit sa operasyon.

Sa Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni  PLTCOL Joel Villanueva  nahuli sa isinagawang buy bust sina Rommel Del Carmen, alyas  Mamad, 36, Iren Fabay, 30, Josephine Magat, 43, at  Rosauro Del Carmen, 37, ng Brgy. Holy Spirit bandang alas-8:30 ng gabi noong Hunyo 4, sa No. 53 Saint Vincent St., Brgy. Holy Spirit. PAULA  ANTOLIN

Comments are closed.