250 BAGONG SM SCHOLARS KINILALA

Main Photo 2

KINILALA ng SM, sa pamamagitan ng kanilang Corporate Social Responsibility Arm na SM Foundation, ang 250 mga bagong scholar mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa SY 2021-2022 nitong October 23, 2021. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit sa 1,300 na kabuuang bilang ang SM scholars.

Sa ginanap na virtual gathering (via ZOOM at Facebook Live) nitong October 23, opisyal na tinanggap at ipinakilala ang mga bagong scholar para sa taong ito. Isa sa mga layunin ng naturang programa na malaman ng mga bagong iskolar, at kanilang mga magulang ang mga benepisyo at kung paano mapananatili ang kanilang scholarship grants.

Naka-angkla ang programang ito sa paniniwala ni SM founder, Henry Sy, Sr. – na ang edukasyon ang pinakamabisang solusyon para mai-angat ang kabuhayan ng isang pamilya mula sa kahirapan.

Nagpapasalamat naman ang ilang nabigyan ng scholarship grants sa ganitong pagkakataon dahil malaki umano ang maitutulong nito sa kanilang pamilya at pag-aaral.

“Siyempre, ako po ang panganay, kailangan po na laging magtiyaga, maging masipag para makapag-aral din po sa magandang school ‘yung dalawa ko pong (nakababatang) kapatid. Bale nuong nalaman ko po ‘yung scholarship nu’ng summer nu’ng grade 11, nag-start na po agad ako mag-review ng English, Mathematics, logical reasoning, at Science,” kuwento ni Marjorie Co, isa sa 250 bagong scholars ng SM mula sa Pasay.

Photo 2

“BS Computer Enginee­ring ang kinukuha ko sa Asia Pacific College po. Nahilig po ako sa teknolohiya kasi simula pagka-bata, lagi ko pong sinasamahan si Papa na mag-ayos ng computer kasi po, ‘yun ‘yung sideline niya dati. Parang ‘yun na rin po ang bonding namin, ang pag-aayos ng computer. Kinalaunan po, naging interesado na rin po ako sa different parts ng computer, sa hardware at software parts po ng computer dahil kay papa,” ayon kay Marjorie.

“Si Mama naman po suma-sideline ng pagmamasahe. Kapag may tumatawag po sa kaniyang kustomer para magpamasahe, nakakakuha naman ng pera, pandagdag po sa panggastos naming magkakapatid,” dagdag pa niyang kuwento.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga magulang ni Marjorie sa SM Foundation sa ibinigay nitong scholarship sa kanilang anak.

“Nagpapasalamat po ako sa SM Foundation sa ibinigay niyo pong grant sa aking anak. Napakalaking tulong po nito. Hindi ko po alam kung papaano ma-i-describe kung gaano kami kasaya,” pahayag ng ama ni Marjorie.

“Kay Tatang Henry Sy at sa family niya, maraming, maraming salamat po. Sana po lumago pa ang inyong mga negosyo. Dahil diyan, nakatutulong po kayo sa mga batang Pilipino na gustong makapagtapos ng kolehiyo,” ayon naman sa kaniyang ina.

Photo 3

Batid naman ni Ellen Joy Balayong, isa rin sa mga nakatanggap ng scholarship grant ngayong taon, ang kalagayan ng kanilang pamilya dulot na rin ng Covid-19 pandemic kung kaya’t nagsusumikap itong makatapos para makatulong sa kaniyang magulang.

“Sobrang hirap po ng buhay lalo na nasa gitna tayo ng pandemya. Parang iniisip ko na lang po kung paano kami makakaraos sa araw-araw kung ang sahod ni Papa (construction worker) para sa aming lima ay kulang pa po,” bungad na kuwento ni Ellen.

“Ako po, nagsa-sideline din po minsan para po sa panggastos ng anak ko nu’ng high school siya. Minsan naman po, tumutulong ako sa kapatid ko para mabigyan ko ng baon ang anak ko,” naiiyak na kuwento ng ina ni Ellen.

Sa kabila ng dinaranas na paghihirap sa buhay ng kanilang pamilya, patuloy naman nagsusumikap si Ellen sa pag-aaral dahil naniniwala siyang mayroong tagumpay na naghihintay para sa kanila kung makakatapos siya ng kolehiyo.

“Yes po, mahirap po ang buhay namin pero alam ko po na sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas namin ay may achievement at success pa rin pong naghihintay sa amin, kailangan lang po magsikap at magtiyaga at mga kumpanyang kagaya ng SM na handang tumulong sa mga kabataang nagnanais makatapos ng pag aaral,” dagdag pa ni Ellen.

Malugod namang nagpasalamat si Ms. Debbie Pe-Sy sa mga social good partners ng SM Foundation sa kanilang kabutihang-loob. Aniya pa, malaki ang maibibigay nito sa mga bagong scholar para sa pagkakataong maiangat ang istado ng pamumuhay ng kanilang pamilya – at maging inspirasyon upang tumulong sa kanilang mga komunidad.

“First, on behalf of SM Foundation, I would like to express our sincerest thanks to our social good partners. Your generosity will give our new scholars a fighting chance to uplift the economic status of their families and eventually inspire them to give back to their respective communities,” unang bahagi ng pahayag ni Sy.

Binati rin ni Sy ang mga bagong scholar. Batid umano ni Sy ang hirap ng pinagdaanan ng mga ito sa proseso ng pagpili sa kanila para mabigyan ng scholarship grant sa kabila ng matinding pagsubok na kanilang pinag­daanan ngunit nanaig umano sa mga ito ang katatagan.

“To our new scholars, congratulations! Each of you deserves our admiration because I know how tough the selection process is to be awarded this scholarship! And you pressed forward and succeeded despite the extremely difficult times, and this is what you call Grit,”

Photo 4

Speaking of grit, we hope that you will take to heart the theme of our event.  It is inspired by our late founder, Tatang, who is also celebra­ting his birthday this month. Take note that Grit is vital on your next journey as it is the ability to find the strength and will-power, learning from our mistakes and failures to follow the path and purpose that is of value to us and to the world around us,” ayon pa kay Sy kasabay ng pag-alala kay Tatang.

Hinikayat naman ni Sy ang mga scholar na tumulong sa kanilang komunidad kapag nakapagtapos ang mga ito.

“I request that after you have successfully completed your academic pursuits, please serve your communities so that our country may benefit from your expertise. Spread social good in any way that you can,”

“Again, congratulations to our New SM Scholars as well as their parents who are here with us today! I wish each of you all the success!” ayon pa kay Ms. Debbie Pe-Sy.- CRIS GALIT