BALI, INDONESIA – LIGTAS ang may 250 Filipino na nasa bansang ito kasunod ng pagyanig sa Lombok at Bali.
Sa sinabi ni Ambassador Wee na mino-monitor ang mga Pinoy na nasa isla dahil may nararamdaman pa ring after-shocks.
Naging aktibo na rin aniya ang embahada sa paggamit ng mga social media account para madaling makontak ang mga may kailangan ng assistance.
Nabatid na nasa 20,000 na katao ang nawalan ng bahay lalo na sa Lombok at 80 percent ang nasirang mga establisimiyento.
Lumobo na rin sa 105 ang bilang ng mga namatay dahil sa malakas na lindol. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.