MAY 4,400 dyip at bus ang papayagang bumiyahe sa mga kalsada ng Metro Manila sa susunod na linggo, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Ayon kay LTFRB Metro Manila regional director Zona Tamayo, sa naturang numero, 1,800 dyip ang pahihintulutang pumasada sa 60 ruta at 2,600 provincial bus ang bibiyahe sa 190 ruta sa Metro Manila.
“Doon sa mga bus na papasok ng Metro Manila, ito ay subject sa, kung papayagan sila ng concerned LGUs (local government units) dahil sa ngayon ay nasa LGU po ‘yun kung papasukin o ire-resume na po ang provincial buses,” sabi ni Tamayo.
“Constant ang pakikipag-coordinate ng ating regional offces sa kani-kanilang local government units patungkol sa resumption of operations sa mga lugar nila,” aniya.
Ayon kay Tamayo, hanggang March 2021, 76% ng pre-pandemic public transportation sa Metro Manila ang pinayagan nang magbalik sa operasyon, kabilang ang taxis, transport network vehicle services, shuttle service, at trucks for hire.
Sa datos ng Department of Transportation (DOTr), 745 ruta o 53,441 public transportation units ang pinayagan nang bumiyahe sa mga kalsada sa NCR.
Ang numero ay kinabibilangan ng 35 city bus routes o 4,500 units, 35 point-to-point bus routes o 4040 units, 50 modern jeep routes o 950 units, 414 traditional jeepney routes o 37,246 units, tatlong ruta para sa modernized UV Express o 55 units, 128 traditional UV Express routes o 7,347 units, 73 provincial bus routes o 2,685 units, at pitong provincial point-to-point bus routes o 204 units.
“Kahit naka-ECQ ang NCR Plus hindi na-suspend ang public transportation. Itong pag-o-open ng routes tuloy po ito provided na papayagan ng concerned LGU,” ani Tamayo.
Why couldn’t I have the same or similar opinions as you? T^T I hope you also visit my blog and give us a good opinion. casinocommunity
Hey there! I’ve been following your blog for a while now and finally got the
bravery to go ahead and give you a shout out from Porter Texas!
Just wanted to mention keep up the fantastic work!