250 SUBIC FREEPORT WORKERS NABAKUNAHAN VS COVID-19

SUBICBAY FREEPORT ZONE- Nasa 250 manggagawa sa pantalang ito ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa patuloy na isinasagawang roll-out ng vaccination program ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Atty. Wilma Eisma, ang nasabing hakbang ng pagbabakuna ay bunsod ng mas pinalakas na vaccination program ng ahensiya kung saan ang SBMA ay may kapasidad o kakayahang mag-imbak ng 40,000 doses ng Covid-19 Vaccines ang kanilang storage facility.

Napag-alaman maliban sa mga empleyado ng mga pribadong kumpanya dito,ilan pang mga kawani ng SBMA ang nabigyan o naturukan na ng first dose ng Covid-19 Vaccines.

Kaugnay nito, binuksan na rin ang isa pang vaccination site activity center sa Ayala Harbor Point Mall na nasa loob ng naturang freeport zone para mas mapabilis pa ang pagbabakuna kontra Covid-19. ROEL TARAYAO

8 thoughts on “250 SUBIC FREEPORT WORKERS NABAKUNAHAN VS COVID-19”

  1. 964962 121067After examine a couple of with the weblog posts on your web internet site now, and I actually like your manner of blogging. I bookmarked it to my bookmark website record and will probably be checking back soon. Pls take a look at my internet page as effectively and let me know what you think. 185675

Comments are closed.