2,500 METRO COPS IDINEPLOY PARA SA EVAC SA CALABARZON

TAGUIG CITY – NASA 2,500 police personnel ang handang ipadala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na siyang aasiste sa evacuation at pagbibigay tulong sa relief goods sa Calabarzon na siyang naapektuhan ng pagputok ng BulkangTaal.
Ayon kay NCRPO Director, Brig. Gen. Debold Sinas, naka-alert din ang mobile district sakaling kailanganin.
“Sa ngayon ang usapan sa NCRPO, ang first na mag-respond is ‘yung regional muna before we touch the districts para hindi po ma-touch ‘yung anti-criminal campaign ang prevention sa NCRPO,” dagdag pa ni Sinas.
Base sa datos ng NCRPO nasa 1,696 evacuees na ang tinulu­ngan ng mga pulis mula Metro Manila sa ilang parte ng Batangas.
Ayon pa kay Sinas, na mga man truck, hino truck, Isuzu truck, Kia, Ford Ranger, Mahindra at mga mini bus ay kanilang ipinadala sa mga lugar na kinakailangan ng tulong ng Police Regional Office IV-A. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.