SINIMULAN nang muli ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, Setyembre 6, 2021, ang pagdaraos ng voter registration sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ), kabilang dito ang Metro Manila.
Nabatid na nagbukas ang mga tanggapan ng Comelec sa mga MECQ areas, kabilang dito ang Metro Manila, at tumanggap ng aplikasyon mula 8:00AM hanggang 5:00PM upang mas marami pang mga botante ang makaboto sa 2022 national and local elections.
Ayon naman kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaasahan nilang aabot pa sa 250,000 pang bagong botante ang magpapatala ngayong buwang ito.
Pinaalalahanan din niya ang mga botante na magpaparehistro na lumagda na ng application form online at dalhin na lamang ito pagtungo nila sa tanggapan ng Comelec, gayundin ang kanilang balidong ID at photocopy nito.
Paalala pa ni Jimenez, hindi papapasukin sa tanggapan ng Comelec ang walang suot na face mask at face shield, gayundin yaong makikitaan ng mga sintomas ng COVID-19.
Ang mga botante naman na ang record ay na-deactivate ngunit mayroon nang biometrics sa Comelec ay maaaring mag-aplay ng reactivation online o di kaya ay magtungo ng personal sa mga tanggapan ng poll body na malapit sa kanilang lugar.
Ang deadline para sa voter registration sa bansa ay hanggang sa Setyembre 30 lamang at wala nang balak ang poll body na palawigin pa ito. ANA ROSARIO HERNANDEZ
850863 289715As being a Newbie, Were permanently exploring online for articles which can be of assist to me. Many thanks 711730
191295 739164What a lovely weblog. Ill surely be back. Please preserve writing! 902218