257 WANTED FOREIGNERS TIMBOG NOONG 2018

Commissioner Jaime Morente

MAYNILA – UMABOT sa 257 na mga dayuhan na may kasong criminal na nagtago sa ating bansa ang nadakip, ayon sa pinakahuling tala ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na mas mataas ang bilang ng naarestong tauhan nito noong nakaraang taon kumpara noong 2017 na 232.

Dagdag pa ni Morente na ang karamihan sa mga naarestong mga dayuhan ay naipatapon na pabalik sa kanilang bansa matapos silang maaresto ng mga elemento ng BI Fugitive Search Unit na pinamunuan ni  BI intelligence officer Bobby Raquepo.

“All of them were also placed in our blacklist of undesirable aliens to make sure that they do not return and pose threat to our public safety and security,” pagsiguro ni Morente.

Base sa datos, 98 sa mga naarestong dayuhan ay wanted sa fraud at economic crimes; 98 dito ay  telecom fraud; 44  sa cyber-crimes;  pito sa sex offenses;  5 sa kidnapping; 1 sa robbery extortion  at isa sa gun possession at drug distribution at 1 sa smug-gling.

“It is evident that the focus of our campaign last year was the neutralization of organized syndicates involved in cyber crimes and cyber fraud,”  ayon naman kay Raquepo sa kanyang year-end report.

Nanguna sa listahan sa mga naarestong dayuhan ay Chinese nationals (116), Taiwanese (80); Koreans (27); Thai (16); Ameri-cans (8) at Britons (5).        PAUL ROLDAN

Comments are closed.