PARANAQUE CITY-PINAYAGAN ng Manila International Aiport authority (MIAA) na lumapag sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) ang pinakahuling chartered flight lulan ang 258 filipino seafarers na galing sa Estados Unidos.
Naisakatuparan ang naturang chartered flight sa tulong ng cruise operators sa Amerika para makauwi ang na-stranded mga Filipino sa kanilang bansa dulot ng coronavirus.
Ayon sa report, lumapag sa NAIA T2 ang chartered flight na ito bandang alas-5 ng madaling araw at agad na sumailalim ang mga ito sa COVID-19 quarantine procedures sa pamamagitan ng pagkuha ng blood samples bago lumabas ng airport.
Pagkalabas sa airport agad naman dinala ang mga ito sa Pier 15 kung saan sasailalim ng 14-daymandatory quarantine bago makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.
Napag-alaman na ang naturang bilang ng seafarers ay mga crew ng dalawang cruise ship. FROI MORALLOS