MAY kabuuang 259 barangay sa Maynila ang pinarangalan at pinagkalooban ng P100K bawat dahil sa pagiging COVID-free sa loob ng dalawang buwan.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa nasabing bilang ay may 33 ‘grandslammers’ na nangangahulugan na COVID-free sa loob ng apat na buwan.
“This means that being COVID-free is doable and replicable,” ani Moreno kasabay ng pasasalamat nito sa mga barangay na nagawang panatilihin ang mababang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Kaya naman, binigyan ng insentibo ang mga barangay na nagsumikap na mapanatiling COVID free ang kanilang lugar sa pamamagitan ng pagkakaloob ng P100K .
” I am happy for these barangays. Una, dahil safe sila at pangalawa dahil may chape (money) sila. They can use the money for the needs of the barangay like food, PPEs,” pahayag ng alkalde.
Samantala, sinabi naman ng alkalde na ang 2021 budget ng lungsod ay nakatuon upang tugunan ang suliranin sa gutom at trabaho.
”Lahat tayo may sikmura. Mahirap, midde class, mayaman. Ang kalsada wala. Kaya marami tayong isinakripisyong kalsada para ma-address ang needs ng mga tao,” diin ni Moreno. VERLIN RUIZ
Comments are closed.