NASA 10 milyon hanggang 25 milyon na trabaho ang lilikhain ng malayang merkado para sa telco tower builders, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
“The rationalization of the telcos and the cell site builders and operators will accrue to the benefits of millions of subscribers in particular, and the Filipinos in general,” wika ni acting DICT Sec. Eliseo Rio, Jr.
Inihayag ni Rio ang positibong pananaw habang tinatapos ng DICT ang final copy ng common tower policy na, aniya, ay mag-bibigay-daan para mapaghusay ng market-driven forces ang telecommunication services.
Paliwanag ng DICT chief, ang pinakamahalagang benepisyo ng common tower policy sa ekonomiya ng bansa ay ang malaking income na malilikom nito.
Sa pagtaya ng DICT, nasa P200 billion ang potential gross income mula sa maraming interesadong cell site builders na mag-tatayo at mag-ooperate ng kinakailangan pang 50,000 towers para sa ‘shared use’ ng telcos.
Ayon sa ahensiya, aabot sa 25 milyon na trabaho ang lilikhain nito base sa 200 hanggang 500 workers para sa bawat tower pa-ra sa kabuuang 50,000 towers na kinakailangan sa buong bansa.
Dagdag pa ni Rio, ang tower sharing policy ay inaasahan ding makapagpapalakas sa financial capacity ng telcos sa pagpapahu-say sa kanilang serbisyo sa mga subscriber.
Paliwanag niya, ang savings ng telcos mula sa pagtatayo at pagmamantine ng towers ay maaaring i-reallocate sa capital expens-es na tutuon sa pagpapataas ng antas ng kanilang serbisyo sa mga subscriber.
“Even the local government units that will host the towers are intended to benefit from the unrestricted number of towercos that will build and operate the shared cell sites,” sabi pa ni Rio, at idinagdag na sa final plan ay tinatayang may 5,000 towers ang itatayo taon-taon sa susunod na pitong taon para mabuo ang 50,000 towers sa loob ng 10 taon, na sa huli ay magbibigay-daan para makasabay ang broadband service ng Filipinas sa iba pang bansa.
Sa kaugnay na balita, pinatutsadahan ng dalawang mambabatas ang isinusulong ng ilang tagapayo sa Malakanyang na limitahan lang sa dalawang pribadong kompanya ang magtatayo ng 50,000 towers at magmamantine sa mga ito.
Kapwa sinabi nina Quezon City Rep. Winston Castelo at Abra Rep. Joseph Bernos na “kailangan nang iabandona ng sinu-mang naghahangad na gumanda ang serbisyo ng telcos ang planong towercos duopoly dahil kontra ito sa pangako ni Pangulong Duterte na pabilisin ang internet sa bansa.
“At lalo pang hahaba ang hihintaying panahon ng mga subscriber na gumanda ang serbisyo ng telcos kung dalawang kompanya lang ang magtatayo ng inaasahan pang 35,000 cell towers… kumpara sa maraming kompanya na magtutulungan para mapabilis ang konstruksiyon ng nasabing mga pasilidad,” sabi pa ng dalawang kongresista.
Comments are closed.