MAHIGIT sa 300 pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa 26 na ospital sa bansa ang magiging bahagi ng solidarity trial ng World Health Organization (WHO) sa layong makahanap ng bakuna laban sa nasabing virus.
Ipinabatid ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang report sa Kongreso bilang pagtalima sa Bayanihan To Heal As One Act.
Ayon sa Pangulo, naglaan ang gobyerno ng halos P30 milyon para sa nasabing proyekto na tatagal ng isang taon at sasalihan ng 500 pasyente mula sa bansa.
Ang mga naturang clinical trials na ipinatutupad na ng national institute of health ng bansa ay naglalayong mabatid kung ligtas at epektibo ang mga posibleng therapy kontra COVID-19.
Kabilang dito ang standard care, remdesivir, malaria drug na hydroxychloroquine, HIV drugs na lopinavir/ritonavir at kumbinasyon ng lopanivir/ritonavir at interferon.
Nakasaad din sa parehong report ang pagkuha ng gobyerno sa serbisyo ng mahigit 4,000 health workers para sa COVID-19 response.
Una nang inaprubahan ng Pangulo ang mahigit 5,000 slot para sa emergency hiring sa halos 300 health facilities tulad ng ospital, quarantine facilities na pinangangasiwaan ng gobyerno, temporary treatment and monitoring facilities, diagnostic facilities at primary health care facilities. DWIZ882
Comments are closed.