26 NA BIKTIMA NI ‘USMAN’ HINAHANAP PA, 85 LUGAR MAY ILAW NA

NDRMMC-3.jpg

ALBAY – PATULOY ang paghahanap ng search and rescue team sa 26 katao na nawawala bunsod ng pagha­gupit ng Bagyong Usman sa iba’t ibang lugar sa Bicol, Eastern Visayas at Region 4B o Mimaropa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bukod sa nabanggit na bilang ng missing, 126 katao ang na-sawi, habang 74 pa ang sugatan

Base pa sa tala ng NDRRMC, naapektuhan ng Bagyong Usman ang kabuuang 140,105 na pamilya o katumbas ng 624,236 na katao sa 876 na ba-rangays sa Calabarzon, Mimaropa, Regions 5 at 8.

Mula sa nasabing bilang, 13,135 na pamilya o 57,786 na residente ang nasa iba’t ibang evacuation centers (ECs), habang 22,633 na pamilya o 107,540 na katao ang nasa labas ng ECs.

Naibalik naman ang suplay ng koryente sa 85 lugar ng mga nasabing rehiyon.

Samantala, namahagi ang Philippine Red Cross (PRC) ng tulong sa mga biktima at kabilang sa kanilang mga ipinamigay ang mga hygiene kits, tow-els, at kumot.

Kahapon ay namahagi ang PRC ng mga relief good sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Naga High School sa Albay.

Nagbigay rin ang PRC filtration bladders para sa maiinom na tubig sa komunidad. EUNICE C.

Comments are closed.