MULING nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 26 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 9,959 ang bilang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang tinamaan ng nasabing sakit.
Batay sa ulat ng DFA, ang nasabing bilang ay mula sa bansang Asia Pacific, Europa,at Middle East.
Habang walo naman sa mga Pinoy COVID patient ang gumaling sa naturang sakit.
Naitala rin ng ahensiya ang pitong Pinoy sa abroard ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 na mula naman sa Middle East.
Kasama sa nasabing kabuuang bilang ng OFWs na may COVID-19 ang 3,358 na nanatiling ginagamot sa mga hospital, habang umakyat na rin sa 5,868 ang bilang naman ng mga gumaling sa naturang sakit.
Gayundin, umabot na sa 733 ang bilang ng mga Pinoy na binawian ng buhay dahil sa COVID-19 mula sa 72 mga bansa at rehiyon. LIZA SORIANO
Comments are closed.