26 SABUNGERO NA ANG NAWAWALA

LAGUNA-SA kabila ng wala pa rin konkretong ebidensiya ang mga awtoridad sa mga nawawalang magsasabong mula Manila,Batangas at Rizal, nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga nawawala nang dumulog sa pulisya kahapon ang mga kamag-anak nito sa Cavinti SA nasabing lalawigan.

Kinilala ni Col. Paterno Domondon, Sta, Cruz police chief ang dalawa pang nawawala na sina Nomer de Pano , 27-anyos at ang girlfriend nito na si Jonalyn Mesina Lubuigin, 24-anyos, kapwa residente ng Poblacion, Cavinti.

Ayon sa pahayag ni Gng. Emy Lubuigin, ina ni Jonalyn, sinundo umano ni De Pano ang kanyang anak para lumahok sa isang malakihang derby sa bayan ng Sta Cruz kung saan may mga kakatagpuin daw ang dalawa na financier ng grupo.

Cockfight afficionado daw ang dalawa, ayon sa ina ni Jonalyn.

Noong Enero 6 ang huling sandali na nakita ni Aling Emy ang anak na dalaga at hanggang ngayon pa ito nakakauwi.

Sinabi naman ni Domondon na patuloy pa rin silang nangangalap ng mga konkretong ebidensiya at mga testigo na posibleng may alam sa nangyari.

“Sa ngayon ay 24/7 kaming naghahanap ng maliwanag na detalye kung nasaan ba talaga ang itong 24 na mga MISSING IN PERSON para malinaw namin masimulan ang proseso ng kaso, hanggat wala kaming mahawakan na positibong makapagtuturo kung asan mga ito, lahat ay haka-haka lamang,” anang opisyal.

Sa ngayon ay umabot na 26 ang mga nawawalang sabungero at mahigpit na ipinagbilin ng Malakanyang na madaliin ang pagresolba sa naturang kaso. ARMAN CAMBE