26 SAMPLES POSITIVE SA POLIO

Polio sample

NAGPOSITIBO  sa type 1 at type 2 polio  ang nakuhang environmental samples na kinalap mula sa 39 areas ng  Department of Health (DoH).

Dahil dito ay  nagpahayag ang kagawaran na paiigtingin ang pagbibigay ng bakuna sa mga lugar na natukoy na may umiiral na polio virus, base sa pinakahuling ulat na  inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon kay Health Secretary  Francisco Duque III, umaabot sa 26 na environmental samples na kinalap mula sa 39 areas ang na-detect na positibo sa type 1 at type 2 polio.

Sinasabing maliit na porsiyento lamang ito mula sa kabuuang 142 samples na sinuri, itinuturing pa rin itong seryosong usapin na  kailangang matugunan.

Magdaragdag pa ng mga tauhan ang DoH na magsasagawa ng anti-polio vaccine.

3 thoughts on “26 SAMPLES POSITIVE SA POLIO”

Comments are closed.