NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas.
Sa monitoring report hanggang alas- 6:00, Huwebes ng gabi (Mayo 21) ay iniulat ng PNP Health Service na umabot na sa 260 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pambansang pulisya.
Nasa 788 na pulis ang itinuturing na probable case habang 574 ang suspected cases.
Iniulat na tumaas din ang bilang ng mga gumaling na PNP personnel sa COVID-19 pandemic at nasa 84 mga pulis na ang nakaligtas.
Nanatiling apat na pulis ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.