IPAPAMAHAGI ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan sa national headquarters, regional police offices, provincial offices hanggang municipal police stations ang mahigit 2,600 body camera para sa kanilang anti-illegal drug operation.
Nilinaw naman ni Maj. Gen. Angelito Casimiro, PNP Directorate for Logistics na tapos nang isailalim sa field functional testing and evaluation ang mga bagong procured na body cameras na nagkakahalaga ng P289 milyon.
Dagdag pa ni Casimiro, ongoing ngayon ang pamamahagi ng mga body cam at configuration sa computer system para makita kung talagang gumagana ang mga ito.
Binili ang mga body camera para maging transparent ang anti-illegal drug operations ng PNP lalo na sa mga akusasyon sa extra judicial killings.
Nagkaroon ang duda sa illegal drug operations nang PNP dahil sa kontrobersiyal na pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Delos Santos sa anti-illegal drug operations ng PNP. EUNICE CELARIO
Comments are closed.