MAHIGIT 33,000 na lamang ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 2,605 mga bagong kaso ng sakit araw ng Linggo, Nobyembre 7.
Batay sa case bulletin #603 ng DOH, nabatid na umaabot na sa 2,803,213 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang kabuuang bilang, 33,526 na lamang o 1.2% ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman, kabilang dito ang 66.0% na nakararanas ng mild symptoms, 15.41 % na moderate cases, 9.0% na severe cases, 5.7% na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 3.8% na kritikal.
Mayroon ding 3,901 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,725,257 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.2% ng total cases.
Mayroon pa ring 191 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.
Sa kabuuan, nasa 44,430 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.58% ng total cases. Ana Rosario Hernandez