261 DAGDAG NA KASO NG COVID-19

KARAGDAGANG  261 bagong COVID 19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkoles.

Sa kabuuan, 2,837,784 COVID 19 cases na ang naitala sa bansa simula noong nakaraang taon.

May 9,238 pang active cases sa bansa at 3,153 ang nakakaranas ng mild symptoms; 3,400 naman ang may moderate symptoms; 1,801 ang nasa sever condition, 507 ang asymptomatic at 377 naman ang kritikal ang kondisyon.

Samantala, 122 ang nadagdag sa bilang ng mga namatay kayat sa kabuuan 50,916 na ang nasawi dahil sa naturang sakit.

May 395 nadagdag sa mga gumaling para sa kabuuang bilang na 2,777,630 o 97.9 porsiyento ng kabuuang bilang ng naitalang kaso.