INIULAT ng Department of Health (DOH) na lumobo pa sa 261 ang bilang ng mga pasyenteng nasawi dahil sa kumplikasyon na dulot ng sakit na measles o tigdas.
Sa pinakahuling datos ng Epidemiology Bureau (EB) ng DOH, nabatid na ang naturang datos ay kabilang sa kabuuang 16,349 pasyente, na naitalang dinapuan ng sakit sa bansa mula Enero 1 hanggang Marso 2, 2019.
Ayon sa DOH, sa kabuuang 261 na naitalang nasawi sa sakit, nasa 80 porsiyento o 209 kaso ang nabakunahan, habang ang iba pa ay nabigyan ng isang dose ng bakuna, at ang iba naman ay hindi tukoy ang estado kung nabakunahan o hindi.
Nabatid na pinakamaraming nasawi sa sakit sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 78 biktima, sumunod ang Calabarzon (76), Central Luzon (36), Eastern Visayas (22) at Ilocos Region (10).
Kumpiyansa naman ang DOH, sa pamumuno ni Secretary Francisco Duque III, na sa mga susunod na araw ay unti-unti nang mababawasan ang bilang ng mga tinatamaan at namamatay dahil sa tigdas lalo na’t dumarami na ang mga batang nababakunahan nila laban sa tigdas. ANA ROSARIO HER-NANDEZ
Comments are closed.