263 BAGONG COVID-19 CASES

NASA 263 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes (Disyembre 20), pumalo na sa 2,837,730 ang confirmed cases ng nakahahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 9,592 o 0.3 porsiyento ang aktibong kaso.

3,569 sa active COVID-19 cases ang mild; 473 ang asymptomatic; 3,375 pasyente ang moderate; 1,797 ang severe habang 378 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 45 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 50,784 o 1.79 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 390 naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya nasa 2,777,354 o 97.9 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.