INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 185,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y matapos na makapagtala pa ng record high na 26,303 bagong kaso ng sakit nitong Sabado, base na rin sa case bulletin no. 546 na inilabas ng DOH.
Ayon sa DOH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,206,012 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 11, 2021.
Sa naturang kabuuang bilang naman, 8.4% pa o 185,706 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.
Kabilang sa active cases ang 85.3% na mild, 10.2% na asymptomatic, 2.56% na moderate, 1.3% na severe at 0.6% na critical.
Mayroon namang 16,013 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman, sanhi upang umabot na sa 1,985,337 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 90.0% ng total cases.
Samantala, mayroon pang 79 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.
Sa ngayon, umaabot na sa 34,978 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.59% ng total cases.
Kaugnay nito, nilinaw ng DOH na sa 26,303 bagong kaso nitong Setyembre 11, nasa 1,608 ang dapat ay kasama sa September 10 topline numbers. Habang ang 24,695 naman ay ang aktuwal na kaso na naitala para sa petsang Setyembre 11.
Para sa mga kaso sa NCR, sa 9,061 total cases na naiulat nitong Sabado, 447 ang dapat na naitala noong Setyembre 10 pa.
“While some technical issues have been resolved by DICT, there are CDRS data not yet included in CK and remain unavailable for extraction. This has led to some delays in inclusion of new data for cases, deaths, and recoveries. The DICT is continuing their investigation. While we await full resolution of this issue, we may observe some delays in inclusion of some data in our topline numbers in the coming days but we are managing this by generating data from CDRS and submitted line lists by our disease reporting units,” paliwanag pa ng DOH.
Samantala, iniulat din ng DOH, na mayroon pa ring 52 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 45 recoveries.
Mayroon ring 32 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
519700 681187Its truly a good and helpful piece of information. Im glad which you just shared this beneficial information with us. Please keep us informed like this. Thanks for sharing. 963843
84358 881236Some truly intriguing information , nicely written and broadly speaking user pleasant. 297481
527948 862276I just couldnt depart your web site prior to suggesting that I really enjoyed the regular details an individual give for your visitors? Is gonna be back often to be able to inspect new posts 160871