2,673 BAGONG KASO NG COVID-19

DOH

NASA 2,673 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Sabado, Oktubre  17, umabot na sa 354,338 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 52,423 ang aktibong kaso.

84.7 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.0 porsiyento ang asymptomatic; 1.5 porsiyento ang severe habang 2.9 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 73 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 6,603 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 539 naman ang gumaling pa sa bansa kaya 295,312 na ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

Comments are closed.