NAKAPAGTALA ng 2,679 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Ang COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Abril 4, 2022 ay base sa naitalang datos simula Marso 28 hanggang Abril 3.
Mas mababa ito ng dalawang porsiyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Marso 21 hanggang Marso 27
Nasa 382 naman ang daily average cases.
Samantala, may isang bagong severe and critical cases habang 329 ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 16.7 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,230 sa 25,340 non-ICU beds ang gamit.
16.5 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 492 sa 2,990 ICU beds ang gamit.
Nasa 692 naman ang severe and critical admissions, o 11.9 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions.