269 PANG PROV’L BUS BALIK-PASADA SIMULA NGAYONG ARAW

PROVINCIAL BUS

NASA 269 bus pa ang pinayagang bumiyahe sa 10 rutang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) patungong mga probinsya sinula ngayong araw, Disyembre 21.

Ang naturang mga ruta ay ang mga sumusunod: Clark, Pampanga – SM North EDSA; Clark, Pampanga – NAIA Terminal (With Limited Stop in Ortigas); Clark, Pampanga – Lubao, Pampanga (With Specials Stops in San Fernando and Angeles City);l Clark, Pampanga – Dagupan, Pangasinan (With Special Stops at Rosales and Urdaneta, Pangasinan); Clark, Pampanga – Subic, Zambales (With Special Stop at Dinalupihan, Bataan); NAIA/Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) – Baguio City; Batangas City – Ortigas; Batangas City – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx); Lipa City, Batangas – Ortigas at Lipa City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx).

Ayon sa LTFRB, dinagdagan ang mga point-to-point bus bilang tugon sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe pauwi ngayong holiday season.

Sinabi ni  Joel Bolano, technical division head ng LTFRB, na bawal dumaan ang mga provincial bus sa EDSA.

Ang mga biyahe, aniya, na patungong Ninoy Aquino International Airport at Parañaque Integrated Terminal Exchange mula Pampanga at Baguio ay dadaan sa A. Bonifacio.

Sa Mindanao Avenue naman ang daan ng mga bus na may rutang pa-SM North Edsa.

Napag-alaman na mula sa 50,000 pasahero kada araw nitong mga nakaraang buwan ay umabot na ito sa 61,000 hanggang 65,000 kada araw ngayong Disyembre.

Tiniyak naman ng mga bus operator na mahigpit nilang ipatutupad ang health protocols, tulad  ng pagsuot ng face mask at face shield,  para maiwasan ang CO­VID-19 transmission.

Comments are closed.