NEGROS OCCIDENTAL – NASA 27 kabahayan ang apektado ng pagtama ng buhawi sa bayan ng San Enrique.
Sinabi ni Elenita Amin, Local Disaster Risk Reduction and Management officer ng San Enrique, ang nasabing mga tahanan ay sakop ng dalawang barangay sa bayan.
Sa Barangay Tabao Rizal, isang bahay ang totally-damaged habang tatlo ang partially-damaged.
Umaabot naman sa apat na bahay ang nasira, tatlo ang partially-damaged, at 16 ang slightly-damaged sa Barangay Batuan, San Enrique.
Ayon sa mga residente, tumagal ng dalawang minuto ang pag-ikot ng hangin. GELO BAIÑO
Comments are closed.