MANDALUYONG CITY – NASA 104 estudyante na pawang pre-qualified college students na kumatawan sa 27 major colleges and universities mula Luzon, Visayas at Mindanao ang masuwerteng napasama sa 2-day film and movie workshop kung saan ang naging artistic director nila ay ang multi-awardee international film and movie director na si Brillante Mendoza.
Ayon kay Ms. Zeny Pascua-Iglesias, corporate affairs adviser ng Maybank, ang nasabing event ay tinustusan ng nasabing financial institution at may temang “Humanizing Financial Services.”
Sa dalawang araw na CineMaybank bootcamp, pinangunahan ni Mendoza ang panel ng filmmakers at nagbigay ng mga puntos sa bawat grupo hinggil sa kanilang ilalahok na short film.
Sa one on one session, hinimay ni Direk Mendoza ang bawat story line ng mga kalahok, nagbigay ng komento o payo at tinukoy ang kahinaan ng istorya upang remedyohan at makarating sa finals sa competion kung saan ang magwawagi ay kikilalanin sa Nobyembre ngayong taon sa Maybank Performing Arts and Theater sa Bonifacio Global City.
Kasama rin sa nagbigay ng puntos sina film director Raymund Gutierrez, Zig Dulay, cinematographers Joshua Reyles at Diego Marx Doblers.
“We are delighted to continue the success of the first CineMAYBANK Short Film Competition with the international award-winning Director Brillante Mendoza as our artistic director, we hope that the collective and individual creative work you will produce with this workshop,” bahagi naman ng mensahe ni Choong Wai Hong, pangulo ng Maybank Philippines sa mga aspiring young filmakers.
Umaasa rin si Hong na ang mga magagawang short film ng mga kalahok ay magiging halimbawa o makaiimpluwensiya sa mga kabataan para sa pag-asa, pagsisikap, pagbabago, inclusion, patriotism at magkaroon ng personal change tungo sa pag-unlad.
Sinabi naman ni Iglesias na ito na ang ikalawang proyekto nila at sadyang ang mga kabataan ang target dahil mga idealistic pa ito.
“Perpekto rin ang short film dahil ito ang pinakamadaling medium para maihatid sa iba ang layunin nila na humanizing financial services dahil ang Filipino ay likas na mahilig manuod ng pelikula,” paliwanag pa ni Iglesias kung bakit shortfilm competition sa kabataan at mga estudyante ang kanilang napiling proyekto.
Ikinagalak din na inanunsiyo ni Iglesias na naging tagumpay ang una nilang shortfilm competition noong isang taon.
Ang 2-day CineMAYBANK bootcamp ay isinagawa sa Legend Villas sa Mandaluyong City mula Hunyo 23 hanggang 24. EUNICE C.
Comments are closed.