IKINOKONSIDERA ng Philippine National Police (PNP) na pangkalahatang mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon kahit mayroong senior citizen na nasawi na pumalo sa 27 ang indiscriminate firing at anim ang stray bullets.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig Gen. Jean Fajardo, sa 27 ang indiscriminate firing kung saan 24 katao ang naaresto habang pinaghahanap ang iba pa na mula sa Region 4A, Metro Manila, Region 6, Region 10, Region 3,8 at Region 9 na karamihan ay mga civilian, may isang PNP personnel at isang tauhan ng Bureau of Correction.
Inamin ng PNP na kung ikukumpara ang kaso ng indiscriminate firing sa nakalipas na taon, mas malaki ngayon ang bilang.
‘Kung ikukumpara ‘nung datos po ng indiscriminate discharge of fire arms tsaka stray bullet po last year po ay mas mataas po ngayon ‘yung kaso po natin ng indiscriminate discharge of firearms ‘nung last year po 20 po ang aming naitala samantala ngayon po ay 27 po mas mababa po ‘yung injured po 74 po na lang po as of indiscriminate of fire arms po sa stray bullets po 13 cases ‘yung naireport last year,” diin ni Fajardo.
Samantala, mula kahapon ng umaga ay anim pa ang naitalang stray bullets cases.
Gayunpaman, sa naging magdamag na monitoring ng PNP walang naitalang mga anumang krimen lalo na sa Metro Manila at iba pang mga lugar.
Maliban sa naitalang mahigit sa 1,000 kaso ng illegal possesion, use, sale ng fire crackers na resulta ng patuloy na crackdown ng PNP sa mga patuloy na nagtatangkang magpuslit ng mga illegal na paputok at ibebenta sa merkado.
“Generally peaceful po ‘uung pagsalubong sa bagong taon at wala naman tayong natanggap na report na any significant untoward incident po,” ayon kay Fajardo.
Sa nagpapatuloy na monitoring ng PNP, nakapagtala naman ng 297 na injured dahil sa paputok habang isang 77-anyos naman ang nasawi na biktima sa Nueva Ecija bago pa ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Nasa kabuuang 1,360 ang kabuuang recorded cases naman ng illegal possesion, use, sale of fire crackers.
“Mayroon po tayong more or less 593,094 confiscated illegal firecrackers at ang estimated ay mahigit 3.9 million po at mayroon din po tayong naaresto na 73 na katao ang pinakamarami po diyan sa Region 4A na nasa 37 sinundan po ng region 5 na nasa 16 sumunod po ay NCRR na 10 and then Region 3 na 5; Region 8, 4 at Region 9, isa po,” ani Fajardo.
EUNICE CELARIO