27 LUGAR ISINAILALIM SA SIGNAL NO. 1 NG BAGYONG OMPONG

BAGYONG OMPONG

NADARAGDAGAN pa ang lugar na isinailalim sa tropical cyclone signal number one ng bagyong Ompong.

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang na sa lugar ang Batanes at Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Isabe­la, Benguet, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna at Que­zon kasama na ang Polillo Island, Ca­marines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao island, pati na ang Northern Samar.

Alas-11 ng tanghali kahapon ay namataan ang mata ng bagyo sa layong 725 km silangan ng Virac, Catanduanes.

Nananatili ang lakas ng hangin nitong 205 kph at may pagbugsong 255 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph o mas mabagal kumpara kahapon ng umaga.

“Occasional rains and gusty winds will be experienced over the areas under TCWS #1. TY “OMPONG” is expected to make landfall in the northern Cagayan on Saturday morning (September 15). Fisherfolks and those with small seacrafts are advised not to venture out over the seaboards of areas under TCWS #1, the northern seaboard of Northern Luzon and the eastern seaboards of Visayas and of Mindanao.”

Una nang sinabi ng PAGASA na ligtas na ang Central Luzon suba­lit patuloy na kumikilos ang bagyo pakanluran.

Naitala rin ng weather bureau ang storm surge na anim na 6 metro sa baybayin ng Cagayan, Isabela at La Union.        EUNICE C.

Comments are closed.