CAMP CRAME – PINANGANGAMBAHANG madadagdagan pa ang may 27 kataong nasawi sa 25 election related violence (ERV) simula ng election period at pangangampanya para sa Brgy. and SK Elections, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Base sa hawak na data ng PNP, may 6 na katao rin ang naitalang sugatan na iniugnay sa election-related incidents.
Nakapagtala ang PNP ng 20 hinihinala at limang balidong election-related incidents, tatlong araw bago ang Barangay at Sangguninang Kabataan elections.
Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, as of 6:00 Biyernes ng gabi, naitala ang 25 insidente kung saan 23 dito ay gun attacks at tatlong kaso ng kidnapping.
Sa naturang bilang, 27 katao ang namatay, anim ang sugatan at lima ang hindi naman nasaktan.
Dagdag pa nito, 11 suspects ang naaresto habang may 83 ang pinaghahanap ng batas subalit 23 lamang dito ang identified.
Naitala ang pinakamaraming bilang ng election-related incidents sa Region 3 at 12, tatlo sa ARMM habang tig-dalawa naman sa Region 4A at 7.
Sa kabuuan, sinabi ni Bulalacao na nananatiling mababa ang nasabing bilang kumpara sa 57 na naitalang record noong barangay and youth sector poll noong taong 2013.
Umaabot naman sa 1,118 ang lumabag sa election gun ban.
Kahapon, personal na binisita ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang Butuan City bilang bahagi ng kanyang inspection tour sa area ng Mindanao. VERLIN RUIZ
Comments are closed.