DALAWAMPUT PITO pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay base na rin sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sinasabing ang mga OFW ay mula sa Asya, Pacific at Europe
Gayunpaman, mayroon naman siyam na OFWs sa mga nasabing bansa ang nakarekober na sa sakit habang wala naman casualty na naitala.
“As we celebrate the birth of Apolinario Mabini today, the DFA seeks inspiration from the life of its first Secretary of Foreign Affairs as a paragon who strives selflessly “to do for his countrymen the most possible good” especially during these challenging times.” ayon sa DFA
Sa kasalukuyan may kabuuang 9,165 ang kumpirmado sa COVID-19 samantalang 3,149 ang kasalukuyang ginagamot habang 5,369 ang nakarekober
May 647 naman ang namatay dulot pa rin ng pandemya mula sa 69 bansang may OFWs. LIZASORIANO
Comments are closed.