CAVITE CITY- KINILALA ang 27 estudyante mula sa Cavite National High School – Senior High School sa katatapos na 21st International Student’s Research Conference na ginanap sa University of Latvia, Northern Europe.
Ang partisipasyon ng 27 estudyante ay isinagawa nitong Mayo 17 hanggang20 via zoom platform.
Ang galing at husay ng mga estudyante ay naipakita sa pang-internasyunal na kompetisyon na umani ng pagkilala at karangalan ng ating bansa.
Ang 27 estudyante ay ang natatanging kalahok sa ating bansa gayundin ang bansang India at Pilipinas lamang ang kalahok sa buong Asya.
Nagsilbing mentor ng mga estudyante ang guro na si Bb. Katherine A. Taboso na dati ring nagturo sa Cavite State University.
“It was indeed a rewarding feeling as a teacher to encourage your students to step outside of their comfort zones, and to maximize their full potentials outside of the classroom. I am so honored and proud to present to you my HUMSS students who courageously performed their very best and show the world what they are capable of beyond the four corners of the classroom”, madamdaming pahayag ni Taboso.
Sinabi pa ni Taboso na ang kanyang pangarap noon kung sakaling siya ay magiging guro na gusto niyang maramdaman na madala ang mga estudyante sa isang internasyunal na kompetisyon.
“I always feel po the pride whenever I present my works and I want my students to also feel the same thrill, passion, and pride. At gusto ko po talaga na maranasan ng mga bata na ang pagkatuto ay hindi lamang sa loob ng silid-aralan. I want to maximize their full potentials”, dagdag pa ni Taboso. SID SAMANIEGO