2,726 COVID-19 CASES NAITALA SA ISANG LINGGO

NAKAPAGTALA  ng 2,726 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) naitala ang bilang mula Marso 21 hanggang Marso 28, 2022.

Mas mababa ito ng 24 porsiyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Marso 14 hanggang Marso 20.

Nasa 389 naman ang daily average cases.

Samantala, walang bagong severe and critical cases habang 752 ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.7 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,613 sa 27,547 non-ICU beds ang gamit.

15.1 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 484 sa 3,204 ICU beds ang gamit.

Nasa 758 naman ang severe and critical admissions, o 11.9 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions.